Pambansang Kautusan lyrics by Arnel Mardoquio music by Popong Landero
Ang digmaan ay pambansang kautusan
Inihahain sa maliliit na bayan
KORO Naglalagablab na apoy ng digmaan
Walang magawa, walang magawa
Lokal na pamahalaan
Walang magawa, walang magawa
Pambansang kautusan galing pa sa Malacañang
Bombahin, bombahin ang maliliit na bayan
Lokal na pamahalaan
Tagasagip na lamang
Sa mga nawalan ng buhay at tirahan
Dulot ng digmaan at napinsalang kalikasan
Ubos ang pondong bayan!
Ubos ang pondong bayan!